Friday, November 6, 2009

Life Lesson #2

Pangalawang lesson

'Wag manghusga sa mga taong flirt kung flirt ka rin naman.


Nakakairita makinig sa isang tao diyan na tawagin nalang natin sa palayaw na FLIRT. Oo, dahil isa siya sa mga pinaka-flirt na taong nakilala ko. Hindi nga lang siya 'yung tipong flirt na harapan kung umatake at magaslaw kumilos.

Mas mahirap siyang ma-detect at pailalim kung tumira. Wala lang. Naiinis ako dahil may guts siyang i-backstab ang mga taong maraming boyfriends. Eh siya? Isang linggo palang nagbreak ng boyfriend eh may nahanap ng iba.

What's worse, feeling niya, sineryoso siya ng kanyang second boylet porke gwapo. FYI girl, panget ka. Maitim ang balat at budhi mo kaya panget ka. Magtigil ka sa kaiilusyon sa mga gwapo sa facebook dahil kung nagustuhan ka man nila, sa picture lang 'yun.

Siguro di mo na kasalanan kung photogenic ka. Pero kasalanan ang makipag-flirt sa ibang tao habang may legal kang boyfriend. Gesh. Sang planeta mo ba pinulog ang relationship etiquette mo?

Tsk, tsk. Tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin. Virgin ka pa nga pero para mo ng ibinenta ang sarili mo sa mga lalaking nakapaligid sa'yo. Panget ka na, flirt ka pa. Mahiya ka! Kaya lang lumalapit ang mga lalaki sa'yo dahil pagkatapos ng flirting session eh pa-hard to get ka. Wala kang appeal magpa-hard to get oi!

Isa lang ang tawag sa'yo. Isang full-time female aso!

Life lesson #1

Unang lesson.

'Wag ipagmalaki ang isang bagay na nangyari sa halos lahat ng babae sa mundo.


May kaibigan akong tatawagin nating "SY"--SY as in super yabang. Para namang kung anong maipagmamalaki nung gaga eh di naman kagandahan. Matalino, oo. Pero di din ganun katalino para ma-impress ako. Mas marami akong kakilala na halos ikalaglag ng panga ko sa sobrang katalinuhan. Tulad nalang ni Manny Pacquiao at ni Aling Dionisia. Oo, ganun katalinong mga tao ang nagpapahanga sa akin.

Haha. Oo, oo. Kaibigan ko nga. Ano ba? Siguro plastik na pagkakaibigan. Eh sa di ko hilig makipag-close ng mga taong ayoko rin in the first place eh? Anong magagawa ko? Sa siya lang ang naging kaibigan ko sa loob ng isang semester sa klase. Hahahaha.

Anyway, ipinagmayabang ba naman na may humingi ng number niya sa sementeryo? Seryoso. Promise. Your dog and your favorite chrysanthemum plant may die. Meron nga daw. Dalawa pa nga daw eh. At ang siste, parang tuwang-tuwa pa ang gaga na may nanghingi sa kanya ng number sa himlanan ng mga patay at inuuod na mga katawan.

Natawa ako kasi ano naman ang kamangha-mangha doon? Parang first time nahingan ng number ang gaga. Feeling niya siya lang ang babaeng nahingan ng number sa buong mundo. Kinilig naman. At proud pang sinabi na di daw niya binigyan. Dapat lang noh? Ang cheap. Sa sementeryo pa! Gesh. Nung ako ang hiningan ng number, hinabol ako mula sa fifth floor hanggang sa labas ng mall para lang makuha ang number ko. At dahil naka-uniform pa na mula sa sosyal na school (guess niyo na lang~hahaha!) at gwapo din naman, binigyan ko. Kaya nakakainis na parang ipinagmamalaki niya ang ganun ka-cheap na bagay. Makikinig ako pag ipinagyabang niya na ang humingi ng number niya'y isang student from a well-known school *coughs* Ateneo *coughs* at gwapo. Dun. Dun ako bibilib sa charisma niya. Until then, sorry girl, but you'll remain to be ugly in my eyes.