Friday, November 6, 2009

Life lesson #1

Unang lesson.

'Wag ipagmalaki ang isang bagay na nangyari sa halos lahat ng babae sa mundo.


May kaibigan akong tatawagin nating "SY"--SY as in super yabang. Para namang kung anong maipagmamalaki nung gaga eh di naman kagandahan. Matalino, oo. Pero di din ganun katalino para ma-impress ako. Mas marami akong kakilala na halos ikalaglag ng panga ko sa sobrang katalinuhan. Tulad nalang ni Manny Pacquiao at ni Aling Dionisia. Oo, ganun katalinong mga tao ang nagpapahanga sa akin.

Haha. Oo, oo. Kaibigan ko nga. Ano ba? Siguro plastik na pagkakaibigan. Eh sa di ko hilig makipag-close ng mga taong ayoko rin in the first place eh? Anong magagawa ko? Sa siya lang ang naging kaibigan ko sa loob ng isang semester sa klase. Hahahaha.

Anyway, ipinagmayabang ba naman na may humingi ng number niya sa sementeryo? Seryoso. Promise. Your dog and your favorite chrysanthemum plant may die. Meron nga daw. Dalawa pa nga daw eh. At ang siste, parang tuwang-tuwa pa ang gaga na may nanghingi sa kanya ng number sa himlanan ng mga patay at inuuod na mga katawan.

Natawa ako kasi ano naman ang kamangha-mangha doon? Parang first time nahingan ng number ang gaga. Feeling niya siya lang ang babaeng nahingan ng number sa buong mundo. Kinilig naman. At proud pang sinabi na di daw niya binigyan. Dapat lang noh? Ang cheap. Sa sementeryo pa! Gesh. Nung ako ang hiningan ng number, hinabol ako mula sa fifth floor hanggang sa labas ng mall para lang makuha ang number ko. At dahil naka-uniform pa na mula sa sosyal na school (guess niyo na lang~hahaha!) at gwapo din naman, binigyan ko. Kaya nakakainis na parang ipinagmamalaki niya ang ganun ka-cheap na bagay. Makikinig ako pag ipinagyabang niya na ang humingi ng number niya'y isang student from a well-known school *coughs* Ateneo *coughs* at gwapo. Dun. Dun ako bibilib sa charisma niya. Until then, sorry girl, but you'll remain to be ugly in my eyes.

No comments:

Post a Comment

Sige nga. Do your best shot honey.